Chapter 32: Beaten Up THIRD PERSON'S P.O.V Hindi na mabilang ni Heaven kung ilang beses siyang tinangka na sipain sa tiyan ng mga tauhan ni Dominic. Nagsawa na rin ang mga mata ni Heaven na lumuha dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa bawat parte ng katawan niya na sinaktan ng mga tauhan ni Dominic. Hinihiling lang ng dalaga na sana ay dumating na ang kanyang asawa bago pa may mangyaring masama sa anak nila. Nang sumenyas si Dominic sa mga tauhan niyang tumigil muna sa pananakit kay Heaven ay nakahinga nang maluwag kahit papaano si Heaven. Ilang sugat din ang natamo niya sa kanyang katawan at hindi lamang iyon. Dumugo rin ang ilang sugat na natamo niya sa kanyang braso na pinangsangga niya sa kanyang tiyan. Nang tingnan ni Heaven si Dominic habang kinakausap nito ang isa s