Chapter 08

1573 Words
KAUUWI lang ni Sianna sa kaniyang condo unit. Kumain na rin siya sa labas bago umuwi para matutulog na lamang siya. Pero bago pa siya makapagbihis, siya namang tunog ng doorbell. Pahinamad pa nang hayunin niya ang pinto upang buksan iyon. Ganoon na lamang ang pagblangko ng kaniyang mukha nang makita si Rose sa labas ng pinto. Magsuot man ito ng mamahaling damit, na alam niyang si Wil mismo ang gumastos, hindi pa rin maaalis sa kaniyang paningin ang pagiging trying hard nito. Akmang isasara niya ang pinto nang pigilan naman siya ni Rose. “What do you want?” animo ay naiinip pa niyang tanong. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?” Ngumiti siya nang mapakla. “Bawal ang ahas dito,” wala namang prenong wika niya. Naningkit naman ang mga mata ni Rose. Maging ang mga labi nito ay tumiim pa. “Mukhang hindi ka pa rin nakaka-move on,” uyam pa nito sa kaniya. “Move on? Mukha bang hindi pa ako maka-move on sa lalaking napakahina?” uyam din niya kay Rose. Hindi siya magpapakita rito ng kahinaan o ano pa man. Hindi nito deserve na tumawa dahil lang makikita siya nitong stress. “Ano’ng tingin mo sa akin? Iiyakan araw-araw ang pagkawala ni Wil sa buhay ko? Ganoon ba siya ka-gold para pag-aksayahan ko pa ng oras? Thankful pa nga ako na nakita ko kaagad kung gaano siya kahinang nilalang. And thanks to you, hindi natuloy ang kasal namin. Ayaw rin talaga akong ibigay ng Diyos sa lalaking hindi nakokontento sa iisang babae. Hindi ko nga rin alam kung ano’ng lakas ng loob ang dala-dala mo para humarap sa akin. Baka gusto mong tuluyan kitang bigyan ng black eye?” Bahagyang napaatras si Rose dahil sa kaniyang sinabi. Tumaas pa ang noo nito nang makabawi. “Gusto lang naman kitang i-remind na ikaw ang maid of honor sa kasal namin ni Wil. Sa Sabado na ‘yon, Sianna.” Tumawa na siya ng nakakainsulto. “Umaasa ka na magpapakita ako sa kasal mo?” “Bitter ka kung hindi ka sisipot, Sianna. Utos din ni Papa Juancho na pumunta ka.” “Tingin mo, may pakialam pa ako sa step father mo, na tatay ko? Matagal ng wala, Rose. Katulad na lamang ng wala akong pakialam sa iyo. Get lost. Oh,” ani Sianna na akmang isasara na ang pinto ng kaniyang condo unit. “Wala naman akong ibang hiling sa iyo kung ‘di sana… gagohin ka rin ni Wil.” Isang mapang-asar na ngiti ang pinakawalan niya bago tuluyang isinara ang pinto. Lalong kumulo ang dugo ni Rose dahil sa kaniyang sinabi. Napasigaw pa ito sa labas ng kaniyang condo at may pagsipa pa sa pinto. Kung bakit nakakaramdam ng satisfaction ni Sianna dahil sa huling sinabi niya kay Rose. Buong akala ba talaga nito ay papasindak siya rito? O baka naman inaakala nito na kapag nakita siya nitong muli ay mukha siyang haggard dahil iniwan ng fiancé? Puwes, hindi niya ibibigay ang saya sa babaeng iyon. Dahil kung mayroon mang hahalakhak sa bandang huli, siya lang dapat iyon at hindi si Rose. Kung tingin nito ay naagaw na nito ang napakaimportanteng bagay sa kaniya, puwes, nagkakamali ito. Siya pa nga ang bitter kung hindi raw siya sisipot sa kasal nito. Gusto ba talaga nito na magmukha itong katawa-tawa sa kasal nito? Habang nakaupo sa sofa, sa may salas ay napapaisip tuloy si Sianna. “SIANNA,” anang isang katrabaho ni Sianna sa kaniya nang lapitan siya sa may restroom sa kanilang opisina. Para bang nag-aalangan pa ang hitsura nito. “Ano ‘yon, Hazel?” nakangiti pa niyang tanong habang ang tingin ay nasa salamin at nag-re-retouch ng kaniyang mukha. “Totoo ba na hindi na tuloy ang kasal mo sa fiancé mo? Sorry kung naitanong ko.” “Totoo,” aniya na hindi nagpakita rito ng ano mang kalungkutan. “Kung ganoon, totoo nga ang kumakalat na balita na ang step sister mo na ang ikakasal sa fiancé mo?” “Totoo.” “H-hindi ka ba nalulungkot sa nangyari? Para kasing hindi ka dumaan sa matinding heartbreak.” Dahil ba araw-araw pa rin siyang maganda? Mas higit nga niyang pinagaganda pa ang kaniyang sarili dahil ayaw niyang kaawaan siya ng mga tao sa paligid niya. Nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay saka lamang niya hinarap si Hazel. “Hazel, kapag ang isang lalaki ay walang kuwenta, hindi deserve na iyakan. Lalo na kung nahuli mo sa aktong pangloloko sa iyo. Mas thankful ako na hindi natuloy ang kasal namin. Dahil kung sakali man na natuloy, tapos late ko ng nalaman na ginagago pala niya ako, ‘di ba at mas kawawa ako?” Ngumiti siya. “Mahal pa rin ako ng Diyos dahil hindi doble ‘yong sakit na ibinigay niya sa akin.” “Grabe ka,” ani Hazel na sandaling na-speechless sa kaniyang sinabi. “Ang tapang mo sa part na ‘yan, Sianna.” Bumuntong-hininga pa ito. Kapagkuwan ay sandali siyang niyakap. “Hangad ko na makatagpo ka ng mas higit sa ex mo. At sana, hindi ka para lokohin lang. Tama ka, mas kawawa ka kung hindi mo agad nalaman ang panloloko niya. Mas lalo mo akong pinahanga. Salamat sa tip.” At nakakuha pa nga ng tip sa kaniya si Hazel. Bagay na mas lalong ikinangiti ni Sianna. “Oo nga pala, ipinatatawag ka ni Mr. Tuarez sa office niya,” ani Hazel kapag kuwan. “Ngayon na.” “May inuutos pala sa iyo pero nagawa mo pa akong i-chika,” natatawa niyang wika kay Hazel. “‘Yong bibig ko kasi, hindi ko rin mapigilan na hindi itanong.” “Okay. Pupunta na ako sa office ni Sir,” paalam na niya kay Hazel. Sumakay siya ng elevator papunta sa kinaroroonan ng opisina ng isa sa kanilang boss. Inihanda pa ni Sianna ang ngiti sa kaniyang labi nang makalapit siya sa table ni Mr. Tuarez. “Pinatatawag raw po ninyo ako.” “Yes,” ani Mr. Tuarez sa seryoso niyong tinig. Malayo sa palaging magiliw niyong tono. “May masamang balita lang ako sa iyo, Miss Melendrez.” Masamang balita? “Ano po ‘yon?” “You are fired.” Bigla, para bang kinain ng katahimikan ang buong paligid. Narinig ba talaga niya iyon nang malinaw? Pero anino batingaw ang mga katagang iyon sa kaniyang pandinig. “H-ho?” “Hanggang sa Friday ka na lamang maaaring magtrabaho rito.” “Bakit ho? I mean, bakit kailangan ninyo akong i-fired sa trabaho? Wala naman akong nakikitang dahilan para—” “Wala tayong magagawa sa utos ng mas nakakataas sa akin. ‘Yong kotse na gamit mo, kailangan mo na ring ibalik sa kompanya.” Hindi na magawa pang magsalita ni Sianna dahil sa napakasamang balita na iyon. Na sana nga, isang masamang panaginip lang din. Bakit parang isa-isa ng kinukuha sa kaniya ang mga bagay na pinaghirapan niyang marating? Ayaw niyang isipin na involve si Rose at Wil sa pagpapatanggal sa kaniya sa kaniyang pinagtatrabahuhang kompanya. Lalo na at naalala niyang kinuha nilang Ninong sa kasal ang pinaka-may-ari ng kompanyang iyon dahil kakilala ni Wil. Na ngayon naman ay magiging Ninong na ni Rose sa kasal nito kay Wil. May pinapirmahan pa sa kaniya si Mr. Tuarez bago siya tuluyang umalis sa opisina nito. Parang sa ganitong sitwasyon siya iiyak talaga. Dahil maging ang pinaghirapan niya ng ilang taon, mawawala na lamang ng ganoon. Kung tama ang hinala niya sa nasa likod ng pagpapatanggal sa kaniya sa trabaho, talagang isinusumpa niya pati ang kaluluwa niyon. Bakit kailangan pa niyang maghintay hanggang sa araw ng Biyernes kung puwede namang ngayon na siya umalis sa kompanya na iyon? Kumuha siya ng box na paglalagyan ng mga personal niyang gamit sa kaniyang cubicle. “Sianna,” gulat pang bulalas ni Hazel nang makita siyang nag-iimpis ng mga gamit niya. “Anong nangyari?” “I’m leaving, Hazel,” tipid na lamang niyang wika. “Pero—” “Okay lang. Good luck. At sana, marami kang ma-close na deals.” Hindi maitatago ang lungkot sa mukha ni Hazel. Lalo na nang umalis na siya. Isinauli lang niya ang susi ng kotse na kaniyang palaging gamit. Mukhang back to basic siya. Commute pauwi. “No big deal, Sianna. Sanay ka naman na mag-commute. Diyan ka nagsimula,” pagpapalakas pa niya ng loob sa kaniyang sarili habang naglalakad palabas ng gusali na kaniyang pinanggalingan. Ayaw niyang umiyak ng mga sandaling iyon. May lugar para doon. Ang problema, wala siyang makitang taxi na padaan kaya naglakad-lakad pa siya habang buhat ang box na hindi ganoon kagaan. At habang naglalakad siya, muntik pa niyang mabitiwan ang kaniyang hawak nang may bumusina pang kotse. Gumilid pa iyon sa kinaroroonan niya. Handa na sana siyang magmura sa driver niyon nang makita ang pagbaba ng bintana sa may driver side niyon. Isang nakasalaming lalaki ang nakita niya. Kumunot pa ang kaniyang noo dahil kahit nakasuot iyon ng sunglasses sa mga mata niyon ay bakas ang kaguwapuhan niyon. Matangos ang ilong, maputi, mamula-mula ang mga labi at… Hindi naituloy ni Sianna ang pagpuri sa pisikal na anyo ng naturang lalaki nang alisin niyon ang suot na salamin sa mata. At sa isang iglap, wala ng maraming salita pa na nakilala kaagad niya ang mukhang iyon. Paano ba niya iyon makakalimutan? Iyon lang naman ang nakakuha sa kaniyang iniingatang puri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD