Mahigpit lamang na nakayakap si Marikit sa kanyang mahal. Hindi niya ito pinapakawala habang walang humpay ang kanyang pag-iyak. Ramdam niya ang bahagyang pagyugyog ng balikat ni Conran habang nakasubsob ang mukha nito sa balikat niya. Ramdam din niya ang pangungulila sa yakap nito, animo ayaw na rin siya nitong bitiwan pa. Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon bago ito kumawala sa pagkakayakap niya. "A-Anong ginagawa mo dito? B-Bakit ka nandito? Hindi mo ba alam na nagsasama na kami ni Emma, b-baka makita ka niya." wika pa nito at bahagyag lumayo ito sa kanya. Napailing siya, hanggang ngayon ba naman nais pa rin nitong itago ang lahat sa kanya. Sabagay inaalala lamang siguro nito ang damdamin niya na baka umasa pa siya na pwede nilang ituloy ang kanilang naudlot na relasyon, per

