"Ha, anong ginagawa ni tita Emma sa bahay? Seryoso ka ba Miguel?" di makapaniwalang tanong niya sa lalaki. "Oo Marikit, totoo ang sinasabi ko kasama namin siya galing sa probinsya. Alam mo bang isang linggo na yata siyang namalagi doon sa bahay ng mga magulang ni Tito Conran. Ewan ko kung bakit siya nandoon at di ko alam kung anong trip niya. Bakit nananatili siya sa bahay ng mga lola ko kahit wala naman ng relasyon ito at ang Tito Conran ko. " wika pa ng lalaki. "Ganon ba Miguel? M-Mamaya ko na lang siguro ubusin tong kape Miguel, nais ko munang magpunta sa kabila dahil difurado akong sinisiraan nanaman niya ako sa pamilya ninyo. Sure ako kung ano-anong kasinungalingan na naman ang sasabihin ng aking tita." Plano niyang sugurin ang kanyang Tita sa bahay ni Conran pero pinigilan siya n

