“Oo ba walang problema bukas na bukas ay bibigay ko sa iyong account ko at kung nais mo na maglaro tayong dalawa okay lang.” buo ang loob na pahayag niya dito. Sumang-ayon na lamang siya para matapos na ang pag-uusap na iyon at ng makatulog na silang dalawa. Ayaw na niyang humaba pa ang kanilang usapan dahil doon at doon lang din naman ang punto niyon. Basta nasabi na niya dito ang kanyang nararamdaman at bahala na ito kung ang pagpapatuloy pa rin ito ang ganoong pagtrato kay ate Marikit niya kapag nandiyan siya. Napangiti naman ng lalaki tila ba na gustuhan nito ang kanyang sinabi na pumapayag siya na ibigay dito ang account niya. Pero kailangan pa niyang mapag-isipan kung papaano niya magagawa na malusutan ang bagong gulo na pinasok niya. Sigurado kasi na hahanapin din nito

