Maganang kumain ang dalawa at tila ba walang nangyaring kung ano kanina sa kanila. Nagbibiruan at nag-aasaran pa sila habang kumakain. Maging ang mga staff ng restaurant ay nakigulo na rin sa kanila. Ayon pala ay kilala siya ng tatlo doon dahil followers niya ito sa kanyang page. Kaya pala iyong sumalubong sa kanya ay ganda ng smile at tila kinikilig dahil napanood pala nito ang live niya noong i-challenge siya ni Miguel. Picture picture at nakikipagbiruan din sa kanila. Hindi naman pinapagalitan ng may-ari ng restaurant kasi sinabihan naman niya na okey lang. Ang kukulit ng mga ito, tapos inaasar pa silang dalawa. Pero syempre alam ng mga ito na walang nangyaring kung ano sa kanila ni Miguel dahil nananatili pa rin silang magkaibigan. Maya-maya ay may tumawag kay Miguel nagpaalam m

