"Marikit, ikaw ba talaga 'yan?" tawag ulit ng Mama ni Conran sa kanya. "Mama, ako po ito mabuti na lamang nalaman ko na nandito kayo. Kasi kung hindi po, hindi ko malalaman ang kalagayan ni Conran." naluluhang sagot niya sa ina ni Conran paano ba naman agad itong naluha ng makita siya. "Salamat sa Diyos halina kayo, tayo na sa bahay at ng makapag-meryenda. Kanina pa rin kasi ito dito si Conran. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ng pasaway na ito dito. Kay layo layo lagi ng tingin, gusto laging mapag-isa. Anong oras na kaya sinundo ko na tsaka hinahanap na rin siya ng lola ninyo." naluluha nga wika pa ng mama ni Conran. Naluluha ito dahil sa kasiyan ng makita siya. Pero pinahid na nito ang luha at inaya na sila na magtungo sa bahay ng mga ito. Ang ginawa nito inalalayan nito ang

