Ilang araw na ang nakalipas simula nang makausap ni Marikit ang kanyang Tita na si Emma. At katulad ng kanyang plano hindi niya iyon sinabi sa kanyang asawa. Iyun nga lang medyo balisa talaga siya sa kanyang natuklasan. Kaya lang mas pinili niya na sarilinin na lamang iyon kaysa naman bigyan na naman niya ng sakit na sa ulo ang kanyang asawa. Iniisip niya nga kung napapano ba ito dahil lalong dumadalas ang pagsakit ng ulo nito katulad na lamang kahapon. Inatake na naman ito samantalang nakaraan buwan ay bihira naman itong atakin. Isang beses lamang ito sa isang linggo kung atakehin dati pero ngayon magkasunod na araw ay inatake ito. Kaya todo ang pamimilit niya dito na magpa-check up na nga lang muna. Pero hindi nito iyon pinapansin dahil marami daw itong dapat mas unahin at saka no

