Halos paliparin ni Conran ang kanyang kotse pauwi sa kanilang bahay dahil may na-received siyang tawag kanina. Akala niya ay kung sino lamang iyong tumatawag yun pala ay si Emma, sinagot agad niya dahil pagsasabihan sana niya ito na tigilan na silang dalawa ni Marikit. Pero nagulat siya sa sinabi nito at sa ini-send nitong picture sa kanya. Sinabi nito sa chat na nagpunta lamang daw ito para dalawin ang lola niya pero pag daan daw nito sa tapat ng bahay nina Miguel ay nakita nito si Marikit at si Miguel na naglalampungan. Kaya naman sinundan agad niya ang dalawa ng maiwan ang mga ito na bukas ang gate. At iyon na nga ang nasaksihan niya sa una ay picture nito si Marikit na hubot hubad habang nakahiga sa kama ni Miguel. Sa sobrang galit niya kanina ay nasuntok niya ang pader at du

