MAID TO BE YOURS (BOOK 2) Kabanata 99

1355 Words

3 MONTHS LATER “Ate Marikit! Tito Conran!” Masayang salubong ni Mayumi sa mag-anak. HIndi niya akalain na darating ang mga ito sa binyag ng kanilang Jr. Sinabihan na nila ang mga ito pero tumanggi ang kanilang Tito Conran dahil busy daw ito sa business tapos may pasok pa ang mga bata. “Ate Mayumi…” bati naman ng kambal sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Pati ang babaeng anak ng mga ito na si Maricon ay humalik din sa kanya pero excited na nagpaalam na sa mommy ng mga ito para makapasok sa loob. “Mga batang ito, excited makita si Miguelito.” naiiling na wika ng kanyang Ate Marikit. Humalik naman siya sa pisngi nito. “Buti nakarating kayo Ate, akala ko hindi pwede si Tito.” wika niya. “Naku, alam mo naman na kapag ang mga bata na ang nag-aya hindi makatanggi ang pasaway na iya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD