"Ang pogi ni Iggy Boy 'no? Sana kapag nagkaroon tayo ng anak kasing pogi ni Iggy Boy o mas higit pa diba? Kapag babae naman, sana kamukha mo asawa ko kasi sobrang ganda mo." nakangiting wika ni Conran habang nakahigang pataob sa kama. Nakapatong ang ulo nito sa palad, nakatukod kasi ang siko nito tapos nakatunganga sa kanila ni Iggy Boy. Nakahiga at dahan-dahan na tinatapik-tapik ang likod ni Iggy boy dahil nakatulog na ito. "Oo naman, sana nga babae para maturuan ko kaagad ng mabuting asal mahirap kasing kapag lalaki sobrang matigas ang ulo. Tsaka baka magmana pa ang ugali sa'yo naku ang hirap-hirap mo ngang pagsabihan, dadagdag pa ang magiging anak natin." nagtatawang wika naman niya dito. "Haala, bakit naman napunta sa ugali ko. Mabuti naman akong tao 'no tsaka mapagmahal ako at ta

