Tiniyak muna ni Miguel na ligtas ang kanyang anak at ang kanyang asawa bago niya tinawagan ang kani-kanilang pamilya. Umiyak pa ang kanyang mommy dahil sa wakas daw ay may apo na naman ito mula sa kanya at may magpapalaganap na daw ng apeyido ng kanyang daddy. Kaya naman ang kanyang ama ay hindi rin matawaran ang sobrang kasiyahan ng malaman ang balita. Wala ring naging problema sa panganganak ni Mayumi pinuri pa nga ito ng doktor dahil napakalakas daw ng loob nito at nagawang iluwal ang bata na mag-isa lang. Nang sinuri ang kanyang anak ay wala namang kahit na anong problema at napaka-healthy pa nga daw ng bata. Kadalasan kapag ganun daw kalaking bata ay palaging cesarean ang kinalalabasan. Pero ang nakakatuwa daw sa kanyang anak ay nakayang mailabas ng normal ng kanyang asawa.

