Ilang sandali pa silang nakisaya sa mga ito bago sila nagpasya na magtungo sa bahay ng mga magulang ni Miguel. Maaari naman sana nilang lakarin ang patungo sa bahay ng mga magulang nito. Kaya lang hindi din daw kasi pwedeng iwan ang kotse sa dalampasigan dahil baka lumallim na ang dagat. Kaya muli silang sumakay sa kotse tsaka nagtungo na sila sa karatig na private resort na pag-aari naman ng pqmilya ni Miguel. Ilang beses na rin siyang nakapunta doon kapag isinasama siya nito noon kapag ini-invite siya ng kanyang Ate Marikit, kapag may okasyon ang mga ito. Parang kapatid na kasi ang turing sa kanya ng kanyang Ate Marikit pero kahit kasi napakabait nito ay tila ba hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng selos dito. Syempre alam kasi niya yung nakaraan ng dalawa at nakikita n

