"CONRANNNNN.... AHHHHH TULONGGGG! A-ANG SAKIT NG TIYAN KO!" malakas na sigaw ni Marikit habang sapo-sapo ang kanyang malaking tiyan na noon ay kabuwanan na. Nagkataon pa naman na nasa tabing dagat sila noon. At si Conran ay ayon natripan pa na magpunta sa may batohan para mamulot ng shell. Hiniling kasi niya dito na mamulot ng shell at sabi niya ay gusto niyang humigop ng sabaw. Nitong mga nakaraang araw kasi ay talagang nagki-crave siya masyado sa mga sinabawan na ulam. Kaya lang ang pasaway dahil medyo malayo ang kanyang kinaroroonan ay hindi yata nito naririnig ang sigaw niya. Sa mahigit pitong buwan nilang pananatili sa probinsya ay halos ginugol nila ang kanilang mga araw ay sa tabing dagat. At nakatulong ng husto iyon sa kanyang asawa nakakapag exercise kasi ito naglalakad-la

