“Wow ang sarap naman ng pagkain! Grabe pati igado perfect ang pagkakaluto, ikaw ba ang nagluto nito Ate?” Tanong ng kanyang Tito Conran. Kadarating lamang ng mga ito kasama ang kanilang buong pamilya. Ang kanyang lolo at lola, ang lola niya sa tuhod, ang kanyang Tito Conran. Syempre si Marikit pati na ang dalawang kambal. At maging ang dalawang yaya ng kambal ay kasama din. Diretso ang kanyang Tito Conran sa kusina para tignan ang mga pagkain doon, favorite kasi nito ang Igado kaya iyon talaga ang hindi pinawalan ng kanyang Mommy. “Hindi ako ang nagluto niyan brother, pero ako ang nagtimpla dahil syempre alam ko yung timpla mo. Pero si manang ang nagluto niyan dahil itong magaling mong pamangkin eh basta basta na lang nagugulat. Akalain mo bang basta-basta na lamang uuwi dito matap

