Nanatili pa rin sa may tapat ng gate si Mayumi, pabalik-balik siya habang kinakagat kagat niya ang kuko sa hinlalaking daliri niya. Hindi kasi niya malaman kung ano ang gagawin kung sasabihin ba niya kanya sa kanyang Sir Miguel o ililihim na lang. At ano kayang gagawin nito kung matuklasan nito na nalaman na ng kanyang nanay ang tungkol sa kanilang dalawa. Nabanggit palang kanina ng kanyang Nanay na bawal pa siyang mag-asawa dahil marami pa nga itong pangarap para sa mga kapatid niya. Nais ng mga ito na mapag-aral ang kanyang mga kapatid at syempre katulong siya doon. At iyon nga pangarap din ang mga ito nakapag nakaluwag luwag nga daw ay mag-aaral muli siya pero ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa mga magulang. Kung bakit naman kasi hindi man lamang niya napansin na ibang

