Hindi na sana papansin ni Marikit ang pangungulit sa tawag ng kanyang Tita Emma ngunit nabasa niya ang huling chat nito na pati magulang niya ay hindi nito patatahimikin kapag hindi niya sinagot ang tawag nito. Kaya naman napabuntong hininga siya at napilitan na sagutin na lamang ang tawag nito. Ayaw na sana niya itong kausapin o mangialam sa relasyon ng dalawa pero napilitan siya dahil ayaw niyang pati magulang niya ay guluhin nito. May pagkamaldita pa naman ang kanyang Tita Emma at baka taray-tarayan na naman nito ang kanyang Mama halos wala na nga itong ginagawa sa kanilang bahay puro na lamang ito cellphone. Pagpapaganda at paglalaskwatsa ang ginagawa pero may gana pa ito na taray-tarayan ang kanyang Mama. Hindi ito gumagalaw sa bahay. Siya naman ay gumagalaw kaya lang ang kanyang