"Tang*na! Nagkasakit ka lang nakukuha mo ng manakit?! Anong problema mo Bakit ba bigla ka na lang nananampal ha?!" halos umusok ang ilong ni Conran habang nakatingin sa kanya. Hawak-hawak nito ang dalawang pisngi na nasaktan, mamula-mula pa iyon dahil sa sobrang lakas ng kanyang pagkasampal doon. "Nagtatanong ka pa talaga? Kapal ng mukha mong magtanong at magalit! Kulang pa yan kung tutuusin sa kahayopan mo! Bakit kita nasampal hindi mo alam? Grabe napakababoy mo! Nakakasuka kayo!" halos mangalaiting singhal niya dito. Galit na galit siya iyon bang tipong ayaw naman niyang umiyak pero walang habas na sa pagtulo ang kanyang luha. Gigil na gigil siya sa lalaki maging ang paningin niya na nakatuon dito ay nanlilisik. Talagang halos magtangis ang kanyang mga bagang dahil sa kabastusan