Ilang araw nang halos hindi siya kibuin ni Conran. Ayaw naman niyang kausapin ito o tanungin dahil noong one time na nagtanong siya dito ay para bang minamasama pa nito ang pagtatanong niya. Sa loob ng ilang araw na iyon ay naging okay naman sila ni Migs, naging magkaibigan na rin silang dalawa kasi ang dami dami talaga nilang pagkakaparehas na pag-uugali kaya mabilis silang naging magkasundo. Isang linggo lang naman daw ito mananatili kaya sinusulit na nito ang bakasyon nito. Wala naman itong sinasabing kung ano sa kanya, pero minsan talaga may napapansin siyang kakaiba dito. Ayaw lang niya iyong bigyan ng kahulugan dahil para sa kanya ay kaibigan lamang si Miguel. At isa pa, pamangkin ito ni Conran na asawa niya sa papel. Gusto sana niyang kausapin si Conran tungkol doon sa pagpap

