"Asawa ko, okay lang ba na dito ka muna sa loob kakausapin ko lang muna sina mama at papa. Siguro nandiyan din si Lola kaya dito ka lang muna ha. Aalamin ko kung bakit sila nagtungo dito ngayon ng walang pasabi." wika ni Conran sa kanya bakas ang pag-aalala sa mukha nito, tila ba nag-aalala ito sa kanya. "Hindi ba pwedeng sabay na tayong bumaba asawa ko, para mabati ko rin sila mama at papa at syempre pati na si lola." wika niya kay Conran. Umaasa siya na papayag ito dahil kahit naman hindi maganda ang ipakita sa kanya ng mga magulang nito at ng lola nito ay naintindihan niya iyon dahil alam niya sirang-sira na siya sa mga ito kagagawan ng kanyang Tita Emma. "Ha? A-Ano kasi asawa ko, mabuti pa rin na makausap ko muna sila bago ka nila makita. Ano kasi alam mo na hindi pa tayo masyadon

