Dalawang buwan ang matuling lumipas... Parang kailan lang halos ayaw pa niyang ikasal siya kay Conran, at halos iyakan niya ang kanyang mga magulang dahil nga hindi pa siya handang magpakasal. At syempre ayaw niyang ikasal sa isang lalaking mas may edad sa kanya. Lalo pa at kasintahan nga ito ng kanyang Tita Emma. At halos iyakan pa niya ang kinainan nilang pares at goto dahil hindi niya pinangarap na kapag ikinasal sila ay ganon lang ang reception. At ganon lang ang pagkain, nakakaiyak sobra ng time na iyon. At dumating nga sa punto na kasama na niya ito sa loob ng iisang bubong. Ngunit pinahirapan siya nito ng unang mga araw. Hanggang sa mag-isang linggo na ang pagsasama nila na punong-puno ng away at lagi na lang nagsasagutan. Parang aso at pusa pero hindi niya akalain na aab

