MAID TO BE YOURS: (BOOK 2) - Kabanata 51

1312 Words

Pabalik-balik si Mayumi sa sala ng kanilang bahay, habang panay ang tingin niya sa kanyang relong pambisig paano ba naman pasado alas 9:00 na ng gabi ay hindi pa umuuwi si Miguel. Pati ang kanyang cellphone ay paulit-ulit din niyang tinitingnan pero wala man lamang text doon ang lalaki. Kahit na mag-miss call man lang ito para sabihin sa kanya kung uuwi ba ito o hindi pero wala talaga. Nahihiya naman siya na maunang tumawag dito dahil baka sabihin ay dagdag kasi sa problema nito. “Huh, nasaan na ba ang lalaking iyon, hindi man lang makuhang mag-chat. Hindi man lang ba niya naisip na nag-aalala ako.” Malungkot na wika niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa mga bagaheng hindi pa nga niya inayos ng lagay. Kanina pa niya iyon nais ayusin para ihiwa-hiwalay iyong mga pasalubong nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD