MAID TO BE YOURS (BOOK 2) Kabanata 101

1749 Words

Makalipas ang walong buwan. “Anakkkk! Mayumi! Diyos ko, apo ko Migumi!” masayang sigaw ni Manang Elma pero maluha-luha ito habang papalabas ng gate. “Lola Elma ko!” sigaw naman ng kanyang anak na noon ay pababa naman ng kotse. HIndi na nito hinintay pa ang pagbuksan ng ama. “Madali kayo, Kuya Elmer nandito ang apo mo! Nandito si Migumi!” Sigaw pa ni Manang Elma sa nakatatandang kapatid nito na si Mang Elmer. Siya naman ay inalalayan ni MIguel sa pagbaba dahil karga niya ang kanilang bunso na si Miguelito. Tulog na tulog ang bata, hindi alintana kung nasaan na ito. Agad na niyakap ni Manang Elma ang kanyang anak na si Migumi at kahit may edad na ito ay hindi manlang alintana ang bigat ng kanyang anak. “Miss na miss na kita apo ko, akala ko talaga hindi na kita muling makikita. Bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD