"Ano okay ka lang ba? Sabi ko na kasi sayo eh na wag na tayong pumunta muna, nagpilit ka pa ayan tuloy nasaksihan mo ang dapat na hindi mo masaksihan. Pero huwag ka munang mag-isip agad ng kung ano diyan. Hintayin mo si Tito Conran na pumunta dito sa bahay at kausapin ka hindi kung ano pa man. Hintayin mo muna siyang makapagpaliwanag bago ka magdesisyon, bago ka magtampo sa kanya." mahabang pahayag ni Miguel sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita kasi hindi rin naman niya alam kung anong nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ramdam niya na nasasaktan siya, ramdam niya na may tila may mga maliliit na kutsilyo ang tumutusok ng paulit-ulit sa kanyang puso. Pero alam naman niya at kilala niya si Conran, alam niya na mahal siya ng kanyang asawa at hindi nito iyon magagawa sa kanya na pumabor

