“At bakit yata natagalan ang dalawa, saan nanggaling ang baby ko ha?” Tanong ni Mayumi sa kanyang mag-ama. Paano ba naman wala pang 15mins para makarating sa may labasan pero hindi niya maintindihan kung bakit napakatagal ng dalawa sa labasan. Sa katunayan medyo kinakabahan na nga siya kanina dahil naisip niya na baka itinakas na sa kanya ni Miguel ang kanilang anak pero hindi naman pala. Gustong-gusto na nga niya itong sundan sa may labasan dahil kinakabahan na nga siya dahil naisip niya na baka kung ano ang binabalak ni Miguel pero sabi niya sa kanya na sarili na hindi nito iyon magagawa sa kanya . “Ito kasing anak mo may nakasalubong kaming bata na kalaro yata eh nainggit doon sa kinakain na ice cream nagpabili. Ayon nakarating pa kami sa palengke para bumili lang tsaka bumili n

