"Araaayyy! Tang*na mo talaga Marikit! Ano ba ang sakit na ng anit ko!" halos mangiyak-ngiyak na sa pagdaing si Emma. Habang wala siyang habas sa pagsabunot sa buhok nito. Kung maaari nga lamang ay kalbuhin na niya ito dahil sa sobrang galit niya sa babae. Isa rin ito sa may kasalanan kung bakit nawala ang kanyang baby, kung bakit hindi man lamang ito nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang mundo. Kaya wala siyang pakialam kahit na umiyak pa ito sa sobrang sakit ng ginagawa niyang pagsabunot sa buhok nito. "Napakasama mo! Wala kang kasing sama! Hindi ko akalain na magagawa mo iyon! Tiyain kita pero hahayaan mo akong magalaw ng ibang lalaki at dahil sa ginawa mo nalaglag ang baby ko! Napakahayop mo! Ipapakulong kita demonyo!" Galit na galit na sigaw niya dito habang walang habas ang

