"Guyz, sorry medyo natagalan ako pasaway kasi yung pusa eh hindi ko kaagad nahuli. Muntik ng kainin yung isda dun sa aquarium ko. Pasensya na talaga, sige tuloy na natin ha. Asan ka na Bipolar." masiglang wika niya sa kanyang mga followers. Tsaka nagsimula na siyang mag basa ng mga comments ang daming comment na nakakatawa na siguro daw nakagat na siya ng pusa o baka nadaganan na siya ng pusa. Pero nasa isipan pa rin ng mga ito iyong dalawang pasaway na naglaban sa pagsend ng coins. Di mawala-wala sa isipan ng mga ito, kesyo ang swerte daw niya. Pasaway kasi tong Conran na 'to eh, nabawasan tuloy ang viewers niya pero ng magpakita siya sa camera ay bumalik na ang mga iyon at marami pa ang nanood kaya naman tuwang-tuwa siya. Kasi ito lang din yung unang beses na gano'n karami iyon