Isang simpleng puting bestida lamang ang napili niyang bilhin para isuot sa pinuntahan nilang mall. Bumili din ito ng sapatos niya na terno doon sa puting bestida na isinuot niya. Ang kanya namang mahal ay isang pulo shirt na kulay white at pantalon ang isinuot nito at isang sapatos, naka tsinelas lang kasi ito kanina. At bumili na rin ito ng wedding ring nilang dalawa, pero hindi basta basta ang wedding ring na iyon dahil napakamahal ng binayaran nito. Ang nais sana niya ay mumurahin lamang dahil syempre ikakasal pa naman sila sa simbahan ay parang hindi na doble doble. Pero ang sabi ni Miguel ay kung ano daw iyong unang wedding ring na isusuot niya sa kanya ay iyon na ang magiging wedding ring nila habang buhay. Kaya hindi daw maaari na mumurahin lamang at maaaring palitan dah

