“Seryoso ka ba talaga sa desisyon mong ito? Hindi ba pwede na kasama na lamang ako sa inyo ng anak ko. Pwede naman na doon na lang ako matulog sa tindahan di’ba? Hindi naman ako humihilik 'di ba, tsaka promise igagalang naman kita wifey ko. Promise hindi ko gagambalain ang pagtulog mo. Hindi ko na gagawin yung dating ginagawa natin noon. Pero ikaw naman ang masususunod sa bagay na iyon eh, alam mo naman na palagi akong ready at sa totoo lang miss na miss na kita at miss na miss ko na iyong mga sandaling iyon.” hirit ng pasaway na si Miguel. Inaaya na ito ni Marikit na magtungo sila sa bahay ni Aling Elma para mapag-usapan kung magkano ang upa sa bakanteng kwarto doon at ng maayos na rin ang kwarto para matuluyan na nito mamayang gabi . Pati kapilyuhan eh dinadala pa nito dito buti na

