Halos pasado alas onse na ng umuwi ang lolo at lola ni Miguel, kasama ang pamilya ng kanyang Ate Marikit. “Wifey, tama na yan sleep na tayo. Maaga pa tayo bukas eh, diba magtutungo tayo sa bahay ninyo kasama na sina Mommy at buong pamilya ko. Hindi ba at kakausapin pa natin sina Nanay at Tatay.” Aya sa kanya ni Miguel. Ang mga magulang din nito ay pumasok na sa kani-kanilang mga silid at maging ang nag-iisa nitong kapatid na si Megan. Kanina nakausap na rin niya ang dalaga. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Ang tawag nga niya dito dati ay Ate Megan pero ngayon asawa na siya ng kuya nito ay hindi na niya ito pwede tawagin ate . At kahit na hindi ito sanay na tawagin siyang ate ay Ate Mayumi na rin ang tawag nito sa kanya. Okay lang naman para sa kanya kahit na ano ang itawag n

