"Miguel! Akala ko talaga hindi ka na babalik mahigit isang linggo ka na doon sobra sobra na akong nag-aalala." Salubong agad sa kanya ni Marikit "Ano ka ba naman syempre babalik ako, marami lang talagang naging problema sa Manila. Gusto ko naman sanang mag-message sayo kaya lang naka-deactivate ang messenger mo. Nakalimutan ko naman na hingin ang number mo, kaya ayon hindi ako nakapag-message sa'yo. Kahit nais kong mag-update, diko magawa dahil wala akong number sayo." paliwanag ni Miguel kay Marikit dahil ilang days na naman siyang nanatili sa Manila na ang pangangako niya dito ay dalawang araw lamang siya doon. Ang totoo kasi hindi niya maiwan iwan ang kanyang lola dahil panay ang iyak nito at hinahanap nito ang kanyang Tito Conran. Samantalang hindi niya masabi sabi dito kung ano ba t

