"Kumusta Marikit at Conran? Sa wakas may anak na pala kayong dalawa at kambal pa. Congrats sana maayos na kayong dalawa at sana hindi na rin kayo galit sa akin." wika ni Emma sa kanila na tila ba wala itong ginawang masama. Para bang normal lamang dito na ang kausapin sila ng ganon. Todo ngiti pa ito na feeling close sa kanila. Napailing na lamang siya at para niyang gustong barahin ito. Pero nasa harapan kasi niya ang kanyang lolo at lola ayaw niyang maisip ng mga ito na bastos siya sa kanyang Tita. Kahit pa sabihin kasi na may kasalanan ito sa kanila, tiyahin pa rin niya ito na dapat igalang niya. Iyon nga lang hindi niya alam na nakalaya na pala ito hindi man lamang sa kanya nabanggit ng kanyang mga magulang. Pero siguro iniisip ng mga ito na hindi na niya kailangang malaman iyon.

