Matapos magbayad ng hospital bill si Miguel ay nag-asikaso na sila dapat nga daw ang sabi ng doctor ay mga 2 days pa sana siya bago lumabas. Pero pinayagan na rin siya dahil kita naman ng Doktor na malakas na siya. Kanina lang talaga siya lantang gulay dahil sa naimon niyang inilagay ni Emma sa juice. Palabas na sila ng nakaramdam ng ihiin si Miguel kaya iniwan muna siya nito saglit sa may upuan malapit sa dalawang nurse na nag-aassist ng ibang pasyente. "Kawawa naman no nasa ER 'no? Kanina iyong asawa niya ang nandoon tapos ngayon siya naman." narinig niyang kwentuhan ng dalawang nurse habang hinihintay niya si Miguel. "Ano bang nangyari doon, bigla na lang nahimatay kanina habang umiiyak siya. Kasi hindi siya mapatawad ng kanyang asawa, parang sinaktan niya yata iyong asawa niy

