"Uyyyy, sakto sabi na nga ba at nakalugmok na kayo diyan! Kawawa naman sila, ay nakakainis lang pati ba naman dito kay Miguel panghihina din ang epekto! Pano mo matitikman ang mahal mo niyan. Kaloka, mahina ka rin pala eh!" naiinis na wika ni Emma habang papalapit kina Marikit na noon ay walang lakas ang buong katawan. Tuwang-tuwa ang kanyang Tita Emma ng makita silang dalawa ni Miguel. Tila alam ang magaganap sa kanila, so ibig sabihin may ginawa ito sa kanila. Baka may inihalo ito sa juice na tinimpla ni Miguel kaya nangyari ang ganito sa kanila. Walang lakas ang kanilang buong katawan kaya nakakatakot dahil naiisip niya na baka nilason na silang dalawa nito. Papaano na lamang kung dumating sa puntong kaya ng pumatay ng kanyang Tita Emma dahil sa mga kasamaan nito. Sobrang natatakot

