Special Chapter 03 3rd Person's POV Lumipas ang mga taon sa edad na 12 years old. Sari-saring parangal ang kinukuha ng tatlong lalaki at binibigay iyon kay Samantha. Mga trophies, medals and certificate. Hindi maiwasan ng babae na mas maging proud pa ito dahil nakikita niya na pinagbubutihan talaga ng mga anak ang pag-aaral katulad ng mga pinangako nito. Ngunit si Sierra. Nanatili lang nakaupo at nakayuko habang hinahakot ng mga kapatid ang lahat ng award. Hindi siya gaanong matalino katulad ng mga kapatid kahit lahat ginagawa niya. Nahihiya siya sa parents niya. Palihim na pinunasan ni Sierra ang pisngi niya hanggang sa may lalaking humawak sa ulo niya. Napaangat ng tingin ang batang babae at duon nakita niy ang ama na kararating lang. "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Marc na u