Special Chapter 01 3rd Person's POV Lumipas ang mga taon "Ahh! Panget! Ah panget!" "Hindi ako panget! Sabi ng mommy maganda ako!" "Naniwala ka naman!" "Hindi ako panget!" Nagsimula ng umiyak ang batang babae matapos siya palibutan ng mga bata at asarin siya paulit-ulit ng panget. Napatakip ng tenga ang batang babae at napaupo sa sahig habang umiiyak. "Hindi ako panget! I'm pretty!" "Panget! Panget!" Dumating na ang mga magulang para sunduin ang ilang mga bata pero hindi 'man lang nito sinabihan ang mga anak. Walang nangialam. "Ahhhh!" Napatigil ang mga bata nang may batang sumigaw habang hawak ang mukha. Napatili ang mga bata matapos makakita ng dugo. Nataranta din ang mga magulang at hinila ang mga anak palayo duon. Kumuha pa ng bato ang isa sa tatlong lalaki at pokerfa