Chapter 49 3rd Person's POV Nang makatulog ang dalaga sa sofa katitig sa sprinkles. Napasubsob na lang ang mga lalaki sa carpet dahil natapos na din nila ang paghihiwa-hiwalay sa mga sprinkles. "Ang sakit na ng mata ko." "Ang wierd ng mga pinaglilihihan ni Samantha. Ganyan ba talaga lahat ng buntis?" tanong ni Kenjie habang hinihilot ang batok na sumasakit dahil sa pagyuko. Dahan-dahan dinala ni Marc si Samantha sa kwarto nila. Naiwan naman ang mga lalaki sa baba at iniunat ang mga braso at paa dahil sa bahagyang pagkangalay ng mga ito. "Bakit dalawa na ang ref dito? Nahati ba ang kusina?" tanong ni Yuan nang makita ang kusina nina Marc. "Huwag niyong galawin 'yong nasa kaliwa. Para kay Samantha 'yan," walang gana na sambit ni Marc habang pababa ng hagdan. "Ow then 'yong ka