Chapter 47 3rd Person's POV Naging maayos naman ang samahan nina Marc at Samantha pagkatapos 'non. Mas naging open sila sa isa't isa at mas naintindihan ang isa't isa. Lalo na sa mga araw na lumipas dahil sa biglaang pagbabago ng ugali ni Samantha. Mas sinubok ang pasensya ni Marc dahil sa pagiging moody ng kasintahan na madalas hindi niya maintindihan. Feeling niya biglang nawala ang Samantha na nakilala niya. "f**k!" mura ni Marc nang biglang kagatin ni Samantha ang braso niya ng walang dahilan. Dahil sa, sakit at pagkagulat natabig ni Marc ang plato na kinagulat ni Samantha. "Darn it! Bakit ba bigla kang nangangagat!" Uminit bigla ang ulo ni Marc ng umaga na iyon. Ilang araw siyang walang maayos na tulog dahil sa dami ng trabaho at problema sa organization. Isama mo pa