NAPAILING na lang ulit ako at nagpatuloy. Ganito nga talaga siguro kapag in love na in love at naka-focus ka lang sa isang tao, kahit na gaano pa ka-attractive at kagwapo yung mga magtatangkang magpapansin sayo, wala silang lahat epekto kasi nga hawak na ng iisang tao lang yung puso’t-isip mo. I’m faithful to Rick, kaharap man niya ako o hindi, at hindi magbabago ‘yon kailanman. I really thought na ‘yon na yung una’t huling beses na makikita ko yung lalaking Gil umano ang pangalan. ‘Di ko inaasahan isang araw na nang papalabas ako ng classroom dahil vacant namin at didiretso lang sana ako ng comfort room ay nasa labas ba naman siya ng classroom namin at mukhang kanina pa may hinihintay. “Ha- hi…” medyo awkward niyang sinabi pero nakangiti. Tiningnan ko palibot niya. Mukhang mag-isa lang

