THAT was the start of almost frequent sleepless nights, bukod kasi sa abala sa Thesis ay marami ding demands ang ibang subject kasi nga halos at puros major na ngayong nasa higher year na kami. Malaking tulong kahit papaano na may desktop si Rick sa bahay at may wifi kaya kada magre-research ng assignments ay hindi na ako nagsa-struggle lalo na sa pagfo-formulate ng study with the help of the famous Google and world wide web as ones of the many sources. Yung sa title and topic ng study, ang ginawa ko’y naghanap ako sa internet ng popular and trendy topics about today’s generation fashion styles, since ang kurso din naman namin ay tungkol sa Fashion kaya required na aligned ang aming topiko sa kinukuha naming kurso. Pagkatapos kong makahanap ng pakiramdam ko’y on-flick na topic, nag-formul

