I WAS like ‘Seriously?!’ Early in the morning, ganito madadatnan ko?! Umagang-umaga umalis boyfriend ko ng bahay dahil ang buong akala ko’y pumunta siya ng trabaho pero heto, heto pala ang tinatrabaho niya! Ang best friend ko pa! Heto ang tinatrabaho niya, ang lihim na makipagkita sa itinuturing ko pa man ding pinakamatalik na kaibigan sa lahat at halos kapatid nang totoo! Si Bambi… si Bambi wala naman siyang anumang nababanggit sa akin na magkikita sila ni Rick ngayong umaga ng ganito kaaga ah! Mga walang hiya sila! Sa galit ko’y hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at sinugod ko nang talaga sa table na kinaroroonan nila! Ayoko din naman sana ng eskandalo pero hindi ko na kaya, ang bigat-bigat na sa dibdib ng ginagawa nilang obvious na pagtataksil sa akin! “S

