NAGING masyadong mabilis ang mga pangyayari pagkatapos ng ilang araw, lingo, at buwan lamang dahil isang araw ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa piling ni Rick na pagdilat na pagdilat ko ng aking mga mata sa umaga ay siya kaagad ang unang nakikita ko. “Good morning, love,” he greeted me the moment I woke up one morning. I smiled softly and greeted him back. “Good morning.” Kasalukuyan siyang nakaakbay at nakatitig sa akin at ako rin ay nakatingala at nakatitig sa kanyang mukha. Masasabi kong wala akong pinagsisisihan sa anumang naging desisyon ko. “Get up now, handa na agahan natin. Come on.” Tumayo na siya at saka marahang hinawakan ang aking kamay tapos ay masuyo at malambing na dinala ako sa dining room ng kanyang flat. Nakangiti namang nagpatianod ako habang kumukusot pa n

