NANATILING nakaiwas lamang si Kyndra sa akin, hindi pinatotohanan at hindi rin naman idine-deny ang mga sinasabi ko. “At may nakapagsabi din sa akin kung anong dahilan…” dugtong ko pa. Sa wakas ay tinignan din ulit niya ako. “Ako. Dahil sa akin kaya kayo nagkakaganyan, kaya kayo madalas na magtampuhan. Pinagseselosan mo raw ako, yung palagian naming magkasamang dalawa dahil sa partnership namin sa thesis.” Hindi pa rin siya nakasagot. “Gaano katotoo ‘yon, Kynds?” Nagbaba siya ng tingin at napayuko na lang, nahihiya. “Totoo ‘yon, Lens. Hindi ko man sinasabi pero deep inside hindi ko na talaga minsan maiwasang magselos.” Nag-angat ulit siya ng tingin sa akin, she’s now sincerely apologetic. “Pasensya ka na ha, at nadadamay ka pa.” Agaran akong umiling at napakalambot ng ekspresyon ng

