“HA?” Bahagyang nagulat si Rick at tila hindi inaasahan ang katanungan kong iyon. “A- ano… kay Bambi. Oo tama,gano’n nga. Kay Bambi. Nabanggit kasi niya minsan sa akin na since pareho kayong tinutustusan ang tuition ninyo, may kanya-kanya kayong part-time jobs tuwing hapon pagkatapos ng klase ninyo. Nabanggit din niya sa akin kung saan ka particularly namamasukan bilang mananahi, sa Dunmore Elegance,” pahayag nito. “Ah, gano’n ba? Kaya naman pala.” Si Bambi talaga, ang hilig ikuwento ang buhay ko sa ibang tao lalo na dito sa lalaking tinutukso niya sa akin! “Sige na. Lumakad ka na’t baka ma-late ka pa,” nakangiting pagtataboy na sa akin ni Rick. “Sige. Salamat ulit ha?” “Sure, basta ba ikaw,” aniya saka kumindat. Lumundag na naman ang puso ko! Tuluyan na akong nakababa ng kanyang sasa

