“SABIHIN mo nga sa akin ang totoo, iniiwasan mo ba si Rick ha?” Isang araw ay hindi ako nakaligtas sa ambush interview ni Bambi sa akin. Sabado ngayon, walang klase at kapwa nandito lang kami at nakatambay sa boarding house namin. “Iniiwasan? Ha? Hindi naman.” I tried to keep still pero sadyang hindi ako makatingin ng diretso sa kaibigan ko kapag nagsisinungaling ako. “Kung hindi, bakit napapansin ko lately na masyado ka nang nagiging mailap sa kanya? Kung hindi mo tinatangkang mag-absent sa last subject natin ay dumadaan ka sa sub-gates tuwing uwian natin para hindi mo na siya makasalubong dahil alam mong parati lang siyang naghihintay sayo sa main gate tuwing pagkatapos ng klase natin. Hindi mo na rin daw sinasagot mga tawag niya, ‘ni hindi ka nagre-reply sa mga texts. Hindi ka na rin

