MGA limang minuto at nakakita rin ako ng interesanteng basis. Five small black birds na nakatuntong sa isang chunk ng puno. Tatahiin at buburdahin sa may bandang dibdib ng damit. Sineryoso ko ang una kong trabaho at pinag-igihan. Dalawang oras at sa wakas ay nakatapos ako. Na-achieve ko ang target design ko! Nakakatuwa naman! "Oh? Kumusta, Lena? Tapos na ba?" lumapit si ate Teri sa akin. I nodded at him. "Opo." He extended his hand. "Lemme see?" Pinaghalong confident at kaba ang naramdaman ko nang pinakita ko ang output ko sa kanya. Tiningnan niya ito at hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagkabigla niya tapos ay tumaas ang kanyang kilay. Kinakabahan na talaga ako! Paano kapag hindi niya nagustuhan? "Is it your first time na magburda o palagi mo na talagang ginagawa?" he

