XENA POV Napamulat ako ng mata ng wala akong makapkap na katawan ni Alvin sa kama. Bumangon ako at nagpunta ng banyo para maghilamos. Lumabas na ako ng kuwarto ng masiguro kong maayos na ako. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang kitchen. Dito palang sa salas ay naamoy ko na ang masarap na pagkain. Nakangiting sumilip ako sa kitchen at doon nakita kong nagluluto ng almusal si alvin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ng hindi nya napapansin. Yumakap ako sa kanya likod. Napahagikhik ako ng tumingin sya sa akin. "You're awake." "Uhmm... anong niluluto mo?" Nakangiting tanong ko. Pinatay nya muna ang kalan at hinarap ako. Hinawi nya ang iilang buhok na tumabig sa mukha ko. Matamis ko syang ningitian. "Balak ko sanang dalhan ka ng pagkain sa kuwarto." Niyakap ko ng maiigi si Alvin.