XENA POV "Anika.." dinig kong sambit ni Alvin. Mahigpit ang yakap sa akin ni Alvin. kaya hindi ko makita kung sino ang babaeng iyon. "Wag mong ipakita ang mukha mo. Pagkalapit ko kay anika pumasok ka kaagad sa suite mo." Bulong nya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto nya. Kumawala na sa pagkakayakap ko si Alvin. Nanatili akong nakatalikod. Dinig ko mula dito ang usapan nila. "Sino 'yun alvin? Babae mo?" Napairap ako at napaismid. "Uhmm. Di ko sya kilala kaya halika dun tayo sa hotel room ituloy ang pag-uusap." Aya nya sa babae. Dali-dali akong pumasok sa loob ng suite ko. Naglandas ang luha sa mata ko. Ang sakit palang ipamukha sayo na hindi ako mahalaga sa kanya. Walang label ang relasyon namin. Tanging kabit lang ang posisyon ko sa buhay ni Alvin. Napaupo ako s