Alvin's POV Flashback Naikuyom ko ang kamay sa sobrang galit na nararamdaman ko. Ano bang ginawa kong kasalanan at pinaparusahan ako? Naglandas ang luha sa mga mata ko kasabay ng paghaplos ko sa pangalan ng asawa ko na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko. Napatingala ako para pigilan ang luha pero hindi epektibo dahil nagtuloy-tuloy pa rin ang luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang kamay ni Sister na nakapatong sa balikat ko. "She's in pain for almost a month. Waiting for me to come home. The time she knows the truth I push her away. now, she leave me permanently. Why I let this happend?." Hindi ko na napigilan pa ang humagulgol. Nakakabakla man pero gusto kong ipagluksa ang pagkawala ng babaeng mahal ko. This is my fault. Sana nakuntento na lang ako sa kung anong meron kami Hannah