ALVIN POV Binuksan ko ang binigay sa akin ni Xena. Kinuha ko ang kwintas sa maliit na box at inangat. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong ang ring sa kwintas ay ang wedding ring ni Hannah. Napaluha ako habang mahigpit na hinawakan ang wedding ring ng babaeng mahal ko. Don't tell me si Hannah at Xena ay iisa?... Tumakbo ako palabas ng bahay. Hinagilap ng mata ko si Xena pero hindi ko na sya naabutan pa. Marahas kong pinahid ang luha sa mata ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi totoong patay na si hannah. Buhay sya at muli kong minahal. Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinatakbo iyon. Mahigit isang oras din ang nilaan ko papunta sa bahay nila. Lumabas ako ng kotse at tinungo ang gate nila. "Xena lumabas ka dyan!

